Friday, April 20, 2007

QCJ Literature: BAKAL NA REHAS

April 21, 2007
2:09 AM

BAKAL NA REHAS
August 22, 1995; QCJail

ang humiwalay sa atin
sumira sa kinabukasan
at sa mga pangarap
na s'yang inaasam natin...

ang nasa pagitan
ng aking mga kaibigan
na yata'y kumalimot
na sa akin...

matibay, matatag
hindi mawawasak
hindi natitinag...

ang magpapalaya...
puso mong nagmamahal sa akin!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home