Friday, April 20, 2007

QCJ Literature: IKAW

April 21, 2007
2:34 AM

IKAW
September 28, 1995

Ikaw ay pinagmasdan
at naging palaisipan.
Ano ka ba talaga
sa aking kahaharapan.

Sa kaunting oras
nang iyong pagdaan,
Dito sa buhay kong
walang kasiglahan.

Ako'y nabulabog at
naghanap ng sagot,
Sa mga tanong kong
sa dami sandakot.

Ngayong hinog na
itong iyong alaala,
Baka p'wede na akong lumaya.

Sa sakit at hapdi
ng iyong pagdapo,
Na kung ilang gabi
ika'y di napapaamo.

Mata mong nakikita
ay aking pipisain.
Lahat ng nana ay papalabasin.

Itong pamamaga ay
siguradong gagaling.
Aking paglaya sa
putang inang PIGSA!

... masisilayan - bukas hanggang sa magdamag.

Haaay...




0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home