Friday, April 20, 2007

QCJ Literature: Untitled2

April 21, 2007
2:28 AM

UNTITLED2
September 27, 1995

ako'y nag-iisa
at walang kasama
sa aking paglalakbay
sa mundo ng buhay

ako'y nag-iisa
at walang kasama
saan na nga kaya
ang aking mga kaibigan

ako'y nag-iisa
at walang kasama
meron pa nga kayang
nakakakilala

ako'y nag-iisa
at walang kasama
natatandaan pa kaya nila
ang kanilang mga pangako

ako'y nag-iisa
at walang kasama
sa malungkot na selda
ng aking bagong buhay

ako'y nag-iisa
at walang kasama
sana'y muling makita
kayong mga minamahal











0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home