Tuesday, June 26, 2007

Walang Hanggang Paalam

by Joey Ayala and Bagong Lumad

Di ba tayo'y narito
Upang maging malaya
At upang palayain ang iba

Ako'y walang hinihiling
Ika'y tila ganoon din,
Sadya'y bigyang laya ang isa't isa

Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam
At habang magkalayo papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo.

Ang bawat simula ay siya ring katapusan
May patutunguhan ba ang ating pagsinta
Sa biglang tingin kita'y walang kinabukasan
Subalit di malupig ang pag-asa

Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam
At habang magkalayo papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo.

For Tatay Rando...

Eternal rest grant unto Tatay Rando, O, Lord... And let perpetual light shine upon him.

May Tatay Rando rest in peace. Amen.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home