Friday, April 20, 2007

QCJ Literature: Untitled3

April 21, 2007
2:41 AM

Untitled3
November 11, 1995

Pasko'y malapit na
Nakakulong pa rin sila
Hindi makakalaya
Dahil wala pa'ng piyansa.

Hindi rin makakapagpiyansa
Itong mga walang pera
Gusto ring makipag-areglo
Nitong mga _________ng tarantado.

Mga BRODS kong nanghihina na
Tapusin nitong nais nila
Dalawang milyon ang hinihingi
Para sa pamilya ni ________ na tatanga-tanga!

Kami itong naperwisyo
Kami pa itong magbabayad kuno.
Mga putang ina nila!
Sila dapat lahat ay namatay na!

Saan ako tutungo
Pati mga dalaw ko'y naglaho na
Mga taga-Arellano
Kinalimutan na akong totoo.

Sina Helen, Rahnel at Vinna,
Fatima, Joy at Corrie,
Pati na si Julie
Lalung-lalo na si Sherill.

Mga kaibigang itinuring
Hindi ko alam kong dapat nga na tawagin.
Ako'y naging totoo
At hindi naging bolero...

Iba na nga siguro ang takbo
Ng puso at isipan ko.
O 'di kaya'y sila ay wala na..

Hindi ko na iisipin na sila ay babalik pa.

:-(

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home